Shugudeng! Wala ako sa mood na mag-kwento pero gusto ko mag-update ng blog. Ang dami kong gustong gawin pero may mga limitation at delimitation ako. Buti na lang walang exam next week. Pero may kailangan akong ipasa bukas. Anak ng tipaklong hindi ko nga alam ang hinihingi s'akin eh. Sana may makuha akong cue ngayon pagpunta ko sa school.
Gusto ko rin mag-aral ng drums. Nag-aaral naman ako eh pero gusto ko tuloy-tuloy. Pero hindi formal lesson 'yun. Gusto ko na rin mag-aral mag-gitara. Para masaya. xp
Hindi pa rin ako nakaka-get over sa sitwasyon ko. Sumasakit pa rin. Sana lang mawala na agad 'to. Nakakainis. Nakakaloko talaga ang pag-ikot ng mga bagay-bagay. Pero kailangan magpatawad. Kapag humilom na ang mga sugat at nakapag-isip na ako nang maayos, saka na ako tatalikod at lilimot.
Pero nakakatawa lang kasi mag-iisang taon na pero hindi pa rin nawawala. At ngayon naman ay nasasaktan. Sabi nga nila, kung hindi ka nasasaktan hindi ka.. Alam n'yo na 'yun. XD
Parang ang sarap kantahin ng Do I Have to Say the Words ni Bryan Adams. Haha! Pero siyempre, hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi ko kay Lord. Kaya nga gusto ko na makalimot agad eh. Grabe, mag-iisang taon na. Sa iba naman, kahit wala pang tatlong buwan ay ok na. Pero iba 'to eh. Nakakatawa na nakakainis.
Hanggang ngayon ay tinatakbuhan ko pa rin ang sakit. (._. )
now playing: Do'Ahou - To Be With You
|