Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano talaga ang isusulat. Hindi. Meron akong gustong isulat. May gusto kasi akong ilabas eh. 'Yun nga lang hindi ko alam kung saan/aling blog. Sa BlogSpirit.Com sana kaso ang pagkakaalam ko, "open" 'yun. Hindi rin naman ok sa LJ kasi malaki ang chance na mabasa 'yun ng iba. Ayoko nun. Well, at least dito... walang dumadalaw kundi ako lang din. Kung meron man, ewan ko lang.
Hayy... nalilito mode ako. Feeling ko nagkaka-identity crisis ako. Aba, ang drama. Adik. Pero hindi nga. Ewan ko ba. Ang dami ko na kasong kilala eh. Ang dami kong nakakasalamuha. Na-mi-miss ko na ang pagiging soloista. Well, soloista pa rin naman ako. Pero ewan. Iba ang pakiramdam ngayon.
Sa katunayan niyan, iniisip ko na hindi pumunta sa birthday ng forum namin. Bakit? Naisip ko lang. Well, marami kasing tao sa araw na 'yun (malamang) eh ayoko ng maraming tao. Isa pa wala talaga ako sa mood. Pero sa palagay ko, hindi 'yun ang totoong dahilan. May mas malalim. Ayokong sabihin dito. D'on ko isusulat sa isa ko pang blog, sa blog ko na hindi alam ng iba. D'on, pwede ko ilabas lahat. Pwede akong magsalita hangga't gusto ko.
Nakakalungkot isipin na may isang tao na kayang magpalungkot ng ibang tao na hindi niya nalalaman. Ako ay nalulungkot. Ako ay malungkot.
Malungkot. Malungkot. Malungkot. Malungkot. Malungkot.
Awit: Chihiro Onitsuka - Infection
|