Mananagalog ako ngayon. Merong isang bagay s'akin na alam kong pwede kong asahan, kahit paano. Pero nananaig pa rin ang isip ko, ang sinasabi nito na "magpakasiguro ka" kaya hindi ako basta-basta naniniwala sa nararamdaman ko. Matagal ko na ring ginagawa 'to. May mga bagay akong nararamdaman at napaghihinuha pero hindi ko, at AYAW ko, na basta na lang paniwalaan. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na nagtitiwala sa emosyon. Asang gawin ko 'yun. Pero hindi ko binabalewala 'yun dahil alam ko na may rason kung bakit nagkakaganoon. Kung bakit, hindi ko alam. Kung paano, pwede ko pang masagot.
Ito na lang ang sinasabi ko sa sarili ko, "Mas malaki ang cerebrum sa hypothalamus." Tapos ang usapan. Common sense. At ang hypothalamus ay maraming trabaho kaya malaki ang posibilidad na pumalya siya sa emosyon. Buti pa ang cerebrum, sa pag-iisip lang nakatuon ang trabaho niya. Sa laki niyang 'yun, 'yun lang ang aatupagin niya... 'Di ba nakakapagtaka? Ibig sabihin n'on, ginawa siya para pangunahan mga desisyon natin.
Naalala ko 'yung sinabi ng kaibigan ko. Madalas kasi, ina-associate na lang natin 'yung mga bagay sa ganito kaya tumutugma. Tama nga naman. Diyan magaling ang tao, sa pagrarason.. na minsan ay mali na. Wika nga, "'Wag kang feeling."
Pero minsan, singit din 'tong si cerebrum para mangunsinte kay hypothalamus. Pero mas kapanipaniwala naman ang kay cerebrum. Body languages. Sabi nga sa kung saan ko man nabasa, Body language doesn't lie. Alam ko 'yun. Natutunan ko 'yun dahil tumatak sa isip ko ang bagay na 'to at ino-obserbahan ko ang mga bagay-bagay sa paligid ko.
Kung hindi sang-ayon ang lahat ng "katauhan" mo sa gusto mong iparating, may mali. May tinatago ka o ayaw sabihin.
Dahil sa "ugali" ni hypothalamus, lagi kong tinatandaan ang sinasabi ng aking Great grandfather, "Jen, take care of yourself." Kapag pakiramdam ko ay nalalaglag na ako, iniisip ko ang sinabi niya s'akin. Kailangan ko talagang ingatan ang aking sarili.
~~~
Iniisip ko ngayon si *toot*. Sana kung tumigil na siya ay hindi pa rin nagbabago pagkakaibigan namin. Wala akong balak mag-reciprocate. *Kei von Mallepa mode* Hindi ko pwedeng gawin 'yun, kahit kanino, sa ngayon.
~~~
Music: HYDE - Dolly
|