Nabasa ko na ang blog nina Ate Kathryn at Kuya Ryan pero hindi ko pa nalibot lahat. Naintriga ako. Naalala ko ang isang pangyayari sa aking buhay. Halos isang taon na rin ang nakaraan. Anak ng tipaklong Shinrai, Filipino ka! Managalog ka naman!
Ayan po. Nanagalog na nga ako. Hindi pala. Ang ibig ko pong sabihin ay ginamit ko na ang sarili kong wika. Unang pagkakataon na ito ay gawin ko sa aking blog. Gayunpaman, ako ay natutuwa sa aking sarili sapagkat maayos kong naihayag ang nais kong sabihin gamit ang wika ng pinakamamahal kong bayan.
Sa palagay ko ay mapapatawad ako ng aking inang bayan sa kabila ng madalas kong paggamit ng wikang banyaga. Ang totoo po nyan ay nais kong matuto ng ibang wika mula sa Europa nang sa gayon ay hindi ko na gamitin ang Ingles, ang wikang sinira ng mga tao mula sa Bagong Mundo (o kung ano man ang madugong tawag sa lugar nila).
Naisip ko tuloy, hindi naman sa panggagaya, na gamitin ang Filipino sa pagpapahayag dito sa Blogspot. Ito ang blog ko na madalas makaranas ng pagbabago. Salamat at buhay pa ito. Natutuwa ako.
Sa kabila ng kagalakan ko tungkol sa mababaw na bagay, kailangan ko nang matulog sapagkat nagrereklamo na ang katawan ko, lalo na ang aking buto, sapagkat hindi na normal ang pangyayari sa aking 'buhay'.
|