Tapos na ang midterm namin sa Anatomy. Ang saya! Pero may resulta pa na naghihintay sa amin. Anyway, masaya ako dahil tapos na ang bloody Anatomy chuunin exam namin. Yahoo!
Paglabas ko ng room ay nakita ko si Ban. Tumakbo ako para batiin siya. Tagal ko nang 'di nakasama ang kapatid kong 'yun. Pati ang iba 'di ko na rin nakakasama masyado. Miss ko nga sila eh.
Ayun, 'nang magkita kami siyempre batian. Grabe. Feeling ko isang taon ko na silang 'di nakikita. Kaso siya pa lang ang nakikita ko. Nag-usap kami tungkol d'on sa Cosplay na nagaganap sa Robinson's Galleria ngayon. Sabi ko ngagusto ko sanang pumunta kaso may test eh. Gabi na rin. Kinuwento niya rin sa akin na may Gensomaden Saiyuki na sa Animax. Alam kona 'yun. Ok na sana kaso Englis dubbed naman. Pero sabi ni Ban hindi raw kasi ang sched ng Saiyuki ay tulad sa GTO. 'Di ba nga nasa Japanese pa rin 'yun? Kaya ayun, ang saya ko. Siyempre.
Later ay lumabas si Mike. Siyempre batian uli. Nakaka-miss talaga. Pero 'di ko na nakita ang iba naming kapatid. Pati si Ate Kath 'di ko rin nakita. Hindi rin siya nakita ni Mike eh. Ewan. Hindi ko pa siya nakikita since pumasok ang year 2005. Miss ko na silang lahat.
Anyway, sabay kaming umuwi nina Mike at Ban. Kasama rin sina Elka, Erica, Chi Chai at isa pa nilang classmate na 'di ko kilala. Papunta sila ng Market! Market! pero pauwi na kami nina Mike at Chi Chai. Alam na. Bawal kaming magpagabi.
Nakakatuwa rin. Si Bunso, nagpalibre na naman! Pero ok lang. Minsan lang uli kami nagkakasama kaya pinagbigyan na. Si Maricris, kasabay ko uli pauwipero 'di kami dumaan sa likod simbahan. May na-rape kaya r'on. We're scared. |