06 NOVEMBER 2004 (Saturday) Inalok ako ni Elka kung gusto ko ba raw sumama sa kanila. Tinanong ko siya kun saan. Sabi niya sa Guadalupe raw sila pupunta.
Actually, sa Jollibee. Pumayag naman ako. Ang kulit ni Erica. Habang nasa jeep kaya ang ingay namin.
Teka, parang sinisisi ko yata siya. Hindi naman. Sa aming lima, siya lang ang pinakamakulit. Lamang siya ng konti kay Jelly or halos pantay lang. 'Di ako sure. Sa Jollibee Edsa kami pumunta. Uy, blow out ni Elka pero ako ang magbabayad ng kakainin ko. Nagpaalam na ako kay Tita na humingi ng P50. Sinabi ko na rin sa kanya kung nasaan ako. Pumayag naman siya na kumuha ako ng pera. Ok, masaya. Nakapila na kami para bumili kaso 'di pa kami ready para kumuha ng order. 'Di pa kasi kami sure sa kakainin namin eh, except for me.
Ang tagal nga naming nag-usap eh. Ang order namin, kung naaalala ko pa, ay ang ss: *4 pcs No. 7 (Chicken Joy) w/ L Coke plus 4 L Fries *1 pc No. 4 (Yum w/ TLC and reg. Fries) w/ Dalandan Juice *2 pcs Palabok Fiesta *1 pc Swirly Bitz *1 pc ice cream *3 extra rice P626 ang total amount ng kinain namin. Excited na nga ako eh. Gutom na ba? Well, nasa loob kasi kami ng Jollibee. Sino ba naman ang hindi matatakam lalo na kapag pagod? Ang dami pa nga naming gusto eh kaso kulang sa budget. Feeling ko rin ay takaw-tingin lang ang akin. Siyempre, kuwentuhan kami habang kumakain. Tawanan na rin at kulitan at wala lang. Actually sumakit ang panga ko sa kakatawa. Pati yata litid ng leeg ko ay sumakit, parang na stiff. Si Elka naman ay tiyan ang sumakit. Nabigla kasi siya ng kain eh. Pagkatapos naming kumain ay nag-take out si Jelly para sa mama niya. Palabok yata 'yun. How sweet. Nami-miss ko tuloy Oma ko. Nang pauwi na ay nagkahiwalay na kami. Si Elka ay nagsolo at nagsama naman sina Erica at Jelly. Si Abeth or Lilibeth ang kasama ko. Sa BNS siya nakatira. AFP/PNP Housing ang sinakyan namin. Nagtalo pa kami kung sinong magbabayad. P100 pera ko at P20 naman sa kanya. Siyempre panalo siya. Habang nasa jeep ay tahimik na kami although may konting kuwentuhan pa. Inaantok na kasi kami. Siya naman, 'di maalala ang mga
kinain. Hehe... Kuwentuhan kami tungkol sa school. Kanojo wa tbje cbe xpset to
moi. Hinayaan ko lang. 'Di ojzb qb lbtj je ljmbmb. Be Tolerant. Sa ASPOVAI kami bumaba. Nag-double ride siya para makarating sa kanila. Ayos ano? Masaya ako kahit paano kasi may nakilala akong bagong tao. I mean, kung magiging mabuti ang samahan namin, Je bzm dbmm kanojo ni
monbnjhp. Tu wakatta xibu je nfbo. |